Thursday, January 31, 2013

panahon na naman ng pag-ibig

Pilit na nagpupumilit gisingin ang diwang pupungas-pungas hatid ng isang taong pagpupuyat para kumita ng pangwaldas para sa kinabukasan at pagkasabik na makapiling ang pamilya at nag iisang kawangis sa balat ng lupa.eto na naman maghihiwalay na naman ang mag sing irog na kalendaryong sinisilip silip lamang kung may magaganap na kapanapanabik.pipindot pindot sa hinihipo hipong salamin ng teknolohiya.hindi napapagod sa kakasilip sa bahay ng aklat ng mga mukha ng sangkatauhan.aninag ko pa sa aking balintataw ang mga kaganapan kagabi sa piling ng malamig na berdeng botelya na nilamanan ng nektar ng pagkalimot.kasalo ang mga kaibigang bago at luma na subalit malupet. kaulayaw ang mga halakhak at musikang nagpa alimbuyog sa aking katawan.boses na ginasgas sa udyok ng naghuhumindig na puso at maharot na utak.babaunin ko ang linamnam ng pagkadaupang palad sa piling ninyong lahat.pansamantalang napawi ang isang dekadang kapaguran sa bansang pinag uunahan ng mga taong nagpupumilit na makapagsube ng pangsubo sa kinabukasan.ngayon ang tamang oras para iumang muli ang utak sa tamang posisyon ng pakikibaka sa aklat ng buhay.may mga segundo menuto oras araw linggo buwan at taon na hindi ako naging perpekto.nagniig man ang tamis at pait ngunit kalaunan ay hindi nakalimot ang kaibigan kong hari ng mga hari na ako at ang aking sinisinta na ibigin at biyayaan sa bawat pagbubuntung hininga sa aming buhay.maraming salamat sa buhay at pag ibig kaibigan...naway pag alabin mo pa ang pag ibig sa sangkatauhan...marubdob akong dumadalangin na datnan tayong lahat ng may siksik at liglig na may nag uumapaw na biyaya ng kagalakan at kapayapaan ngayon sa paparating na batang bata na taon ng matalinong ahas na mayroong pagkatuto sa tunay na aral pag ibig....booom magmahal oh!!!