Friday, February 1, 2013

taga-ansan filipino community ako

    1. everybody else is doing it,so why can"t you?............ tanong sa akin ng mga taong nagpalakas ng loob para harapin ang pamumuno sa komunidad na ito.parang bulong na rin sa akin ng panginoon kung kaya ko ba, gantihan ang mga pagpapala na ipinagkaloob niya sa akin ng ako ay makarating sa bansang korea...sa panahong ding iyon para namang may apoy sa aking puso, na nais ko pang subukan ang iba pang bagay sa sarili ko.kaya ang nasabi ko na lang "lord ikaw na bahala"...........one of the greatest fears of all is the fear to start..........,may pag aalinlangan at agam-agam ako sa sarili ko, kung makakayanan ko nga ba mamuno?sa pagkakataong ito nais ko na rin pasalamatan ang bawat nakasama kong mga namuno(officers)at mga kapwa ko volunteer, ay napagtagumpayan namin lahat ng mga aktibidad at mga pagsubok ng komunidad sa tulong ng bawat isa at pananalangin....( maaring puntahan ang site na ito upang makita ang mga nakaraang aktibidad http://igalilea.blogspot.com/) nuon ko naiisip na ang paglilingkod sa komunidad o sa kapwa-tao ay paglilingkod rin sa sarili at sa diyos, may kasabihan nga gumawa ka ng mabuti siguradong mabuti ang babalik sa iyo..........2.trials turning into treasures ang masasabi ko sa aking karanasan..........praying,sharing,giving,serving,understanding,goodtime,relaxing and having fun yan yung mga pagkakataon na naranasan ko para makabawas sa homesick at pagal ng katawan sa tuwing matatapos ang isang linggong pagtratrabaho dito sa korea, yung every weekend na makasama mo mga kababayng pilipino,thats is family and community about para sa akin ang makapagbahagi ng oras sa ating kapwa......3.may mga bagay na di rin naman maiiwasan, ito yung some of you will put down and criticize na naranasan ng mga volunteer..........ito ang aral na aking natutunan, na ang ugali at kilos ng bawat kapwa ko volunteer ay repleksyon ng kabuan ng lahat ng volunteers, dahil bilang volunteer ng komunidad mataas ang expectation ng ibang tao sa mga nagiging kasapi nito,kaya namn ang payo ko sa nagnanais magvolunteer bigyan ng malalim na dahilan ang pagvovolunteer para hindi naman masayang ang oras at talento higit sa lahat ng buong pagkatao natin bilang isang volunteer at ng kapwa volunteer.........failure is the key of success ika nga.........may kanya kanyang kahinaan ang bawat volunteer bilang isang tao,na kahinaang naranasan ko na rin,pero sa biyaya at awa ng panginoon kami ay nakapagpatuloy pa rin sa aming paglilingkod bilang volunteer sa simbahan o sa ating komunidad........new dreams,new friends,new adventure,new victories.......kung gusto natin ng bago sa buhay natin wag raw sayangin ang oras at pagkakataon na makagawa ng makabuluhan o makapaglingkod sa kapwa at sa sarili,at higit sa lahat sa diyos.......nais ko ibahagi ang aral sa pelikulang napanood ko na pelikulang pambata na pinagbibidahan ng panda habang pinapayuhan siya matandang pagong, ang payo ng matandang pagong sa batang panda ay ito....yesterday is history,tomorrow is a mistery,but today is a gift thats why its called present .......tulad din ng karanasan ko sa afc ang mga nakaraan ko ay maitatago kong parang kayamanan,at ang aking kasalukuyan ay ang pag ani namin ng respeto sampu ng aking mga kapwa volunteer sa mga taong aming napasaya,kaya bukas gusto ko muli subukan ang iba pang mga bagay,sana ikaw rin na nagbabasa nito.......more decade for afc and have a inner peace at all!!!

No comments:

Post a Comment