Friday, February 1, 2013

jesus is rock that makes me roll

Marami ang tinawag pero kakaunti lang ang kadalasang tumutugon. Ang kalimitan pa sa mga tumugon ay palaging nalalagay sa hot seat na parang bang bawal magkamali. Sa mga volunteer, pinuno at iba pang mga kahanay nito natural lamang ang pagkakamali at di-pagkakaunawaan. Minsan naghahatid ito ng kaguluhan at pagkakabaha-bahagi. Tanggapin natin na di pare-pareho ang ugali ng tao ngunit magkaganunpaman may dahilan ang Diyos ng pagtatagpo sa bawat isa sa atin.
May mga tao na naniniwala sa Diyos pero di nauunawaan ang kalooban Niya. May mga taong di matanggap ang mga pangyayari sa paligid niya tulad ng kabiguan at mga problema. Meron din namang namumuhi sa kapwa nya. Pero iihip ang hangin kung saan naisin nito! Naniniwala ako na ganyan din ang D’yos kahit hindi maintindihan ng tao.
Bilang isang volunteer naranasan ko ang makisama sa iba’t-ibang ugali ng tao. Sa aking pagmamatyag magkaka-iba talaga ang ugali ng bawat isa. Ang mga di pagkakasundo ay natural lamang, depende kasi ito sa kinalakihan ng isang tao(environment). Subalit kung iisipin, masuwerte pa rin tayo sapagkat napasama tayo sa gumagawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng ibat ibang pamamaraan (music ministry, liturgy, service, at pagsisimba. Masasabi ko isa itong himala, di ba? Bakit natin ito nagagawa ngayon samantalang di naman sa Pinas. May mga kasama rin naman tayo na sanay na sa ganitong pagboboluntaryo, pero iba ang karanasan dito sa korea di ba? Dapat nga ba na nasa katangian ng isang volunteer ang isang matuwid na tao? May mga tao na di matanggap kung bakit naglilingkod sa simbahan ang mga sa tingin nila ay makasalanan. Pero sino tayo para humusga. Naniniwala ako na ang pagrespeto at pagtanggap sa ugali at opinion ng kapwa ang susi para makabuo ng isang pamilyang nagkakaisa, matatag at ikagagalak ng Diyos.
Ang bawat isa ay dapat merong boses at bawat “idea” ay bigyang daan. Sa pamamagitan nito masasabi nating meron tayong pagkakaisa. At sa lahat ng ito marapat lamang na isipin natin at damhin ang kalooban ng Diyos.
Sana maisip natin na pasalamatan ang Diyos sa kanyang mga kalooban at pagkilos sa buhay natin. Huwag nating isipin ang kasiraan ng kapwa at pangsariling interes lamang. Walang taong perpekto. Kung susundin at nanaisin lamang natin ang kalooban ng Diyos, madali nating matatanggap lahat ng bagay na darating sa ating buhay. Hindi natin kailangang magpanggap na banal o santo sa mga tao. Ang kailangan lang ay magpakatotoo tayo. Wala tayong maipagkakaila sa Diyos. Di natin siya maloloko. Tayo ay nilikha Niyang MABUTI at iyan ang Kanyang kalooban. Maging mabuti nawa tayo sa isa’t-isa upang magkaroon ng kapayapaan sa ating Komunidad.
Maghandog tayo lagi ng munting dasal para sa ating Kapwa. Kung lahat tayo ay maghahahandog nito ay naniniwala ako na makakamit natin ang Kapayapaang nagmumula sa Diyos.

taga-ansan filipino community ako

    1. everybody else is doing it,so why can"t you?............ tanong sa akin ng mga taong nagpalakas ng loob para harapin ang pamumuno sa komunidad na ito.parang bulong na rin sa akin ng panginoon kung kaya ko ba, gantihan ang mga pagpapala na ipinagkaloob niya sa akin ng ako ay makarating sa bansang korea...sa panahong ding iyon para namang may apoy sa aking puso, na nais ko pang subukan ang iba pang bagay sa sarili ko.kaya ang nasabi ko na lang "lord ikaw na bahala"...........one of the greatest fears of all is the fear to start..........,may pag aalinlangan at agam-agam ako sa sarili ko, kung makakayanan ko nga ba mamuno?sa pagkakataong ito nais ko na rin pasalamatan ang bawat nakasama kong mga namuno(officers)at mga kapwa ko volunteer, ay napagtagumpayan namin lahat ng mga aktibidad at mga pagsubok ng komunidad sa tulong ng bawat isa at pananalangin....( maaring puntahan ang site na ito upang makita ang mga nakaraang aktibidad http://igalilea.blogspot.com/) nuon ko naiisip na ang paglilingkod sa komunidad o sa kapwa-tao ay paglilingkod rin sa sarili at sa diyos, may kasabihan nga gumawa ka ng mabuti siguradong mabuti ang babalik sa iyo..........2.trials turning into treasures ang masasabi ko sa aking karanasan..........praying,sharing,giving,serving,understanding,goodtime,relaxing and having fun yan yung mga pagkakataon na naranasan ko para makabawas sa homesick at pagal ng katawan sa tuwing matatapos ang isang linggong pagtratrabaho dito sa korea, yung every weekend na makasama mo mga kababayng pilipino,thats is family and community about para sa akin ang makapagbahagi ng oras sa ating kapwa......3.may mga bagay na di rin naman maiiwasan, ito yung some of you will put down and criticize na naranasan ng mga volunteer..........ito ang aral na aking natutunan, na ang ugali at kilos ng bawat kapwa ko volunteer ay repleksyon ng kabuan ng lahat ng volunteers, dahil bilang volunteer ng komunidad mataas ang expectation ng ibang tao sa mga nagiging kasapi nito,kaya namn ang payo ko sa nagnanais magvolunteer bigyan ng malalim na dahilan ang pagvovolunteer para hindi naman masayang ang oras at talento higit sa lahat ng buong pagkatao natin bilang isang volunteer at ng kapwa volunteer.........failure is the key of success ika nga.........may kanya kanyang kahinaan ang bawat volunteer bilang isang tao,na kahinaang naranasan ko na rin,pero sa biyaya at awa ng panginoon kami ay nakapagpatuloy pa rin sa aming paglilingkod bilang volunteer sa simbahan o sa ating komunidad........new dreams,new friends,new adventure,new victories.......kung gusto natin ng bago sa buhay natin wag raw sayangin ang oras at pagkakataon na makagawa ng makabuluhan o makapaglingkod sa kapwa at sa sarili,at higit sa lahat sa diyos.......nais ko ibahagi ang aral sa pelikulang napanood ko na pelikulang pambata na pinagbibidahan ng panda habang pinapayuhan siya matandang pagong, ang payo ng matandang pagong sa batang panda ay ito....yesterday is history,tomorrow is a mistery,but today is a gift thats why its called present .......tulad din ng karanasan ko sa afc ang mga nakaraan ko ay maitatago kong parang kayamanan,at ang aking kasalukuyan ay ang pag ani namin ng respeto sampu ng aking mga kapwa volunteer sa mga taong aming napasaya,kaya bukas gusto ko muli subukan ang iba pang mga bagay,sana ikaw rin na nagbabasa nito.......more decade for afc and have a inner peace at all!!!

methamorphosis

"the wuds"bandang may puso at diwang pilipino na aking hinahangan mula noon hanggang sa kasalukuyan. kahit pa hindi na umeere ang kanilang mga awitin sa talapihitan ng pilipinas.kahit na nilamon na ang mga panlasa ng mga pilipino pagdating sa pagpili ng tatangkiliking musika. tulad ng kangnam style ng korea,.kahit pa libreng isinasalampak ng bansang korea sa tainga ko ang kpop dahil sa araw araw kong naririnig mula sa pagsakay ng bus patungo sa aking pinagtratrabahuan hanggang sa maghapong pagtratrabaho ay nagpupumilit sumuot sa tainga ko ang kpop sa loob ng labindalawang taon hinding hindi ko ipagpapalit ang panlasa ng tainga ko sa hinayupak na kpop na yan.

eksena sa loob ng fucktory na aking pinagtratrabahuan
nagpatugtog ako ng musika ng the wuds.

ang umibig sayo
methamorphosis
bayanbayanan
nakalimutan ang diyos
bigla lumapit sa akin ang co worker na pilipino,oo pilipino sya
co worker: pre music ba yang pinatutugtog mo?
ako:(ngumiti na lang at sumigaw ng pabulong) na mo inosente lang ang nagtataka...

sa jingle magazine natuto mag-gitara

  • nung bata ako naalala ko mahilig ako mange-alam (bakit baka nangenge alam?) sa gamit ng mga kapatid ko,kaya yung mga koleksyong ng kuya ko na jingle magazine hindi ko makakalimutan. ito ang songbook nung araw ang laki at  ang kapalllll,yung laman loob ayuz ang mga lyrics at chords ng mga bawat kanta,naaalala ko binubulatlat  ko lang itong magazine na ito hindi para kumanta kundi magbasa lang ng mga jokes hahaha.tapos sa tuwing babasahin ko pa lang ang pamagat ng  magazine pag ihi na agad pumapasok sa isip ko hmmm...bakit kaya???o sya dto na lang muna naiihi na kasi si ako.